Bagong HUDCC Secretary-General, pinangalanan na ng Malacañang

 

Inilabas na ng Malacañang ang appointment paper ni National Housing Authority acting General Manager Marcelino Escalada Jr. bilang bagong Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Pinalitan ni Escalada si Atty. Falconi Millar na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ilang isyu ng Katiwalian.

Si Escalada rin ang papalit sa dating trabaho ni Millar bilang pointman sa Marawi Rehabilitation project.

Nauna nang sinabi Presidential Spokesman Salvado Panelo na “effective immediately” ang utos ng Pangulo na pagsibak kay Millar.

Gayunman, tiniyak ng Malacañang na hindi makaka-apekto sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko ang pagkakasibak sa Secretary-General ng HUDCC.

Nauna dito ay sinabi ng Pangulo na marami pa siyang sisibakin sa pamahalaan dahil sa patuloy na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa katiwalian.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *