Bagong schedule ng Curfew Hour, ipinatupad na sa Laguna

Ini-adjust na ng Laguna Provincial Government ang schedule ng pagpapatupad ng curfew sa lalawigan. 
Ito ay matapos na isailalim sa MECQ ang buong Laguna.


Sa inilabas na Executive Order No. 13, Series of 2021 ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ang bagong oras ng curfew ay mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na ng madaling araw mula Mayo uno hanggang Mayo katorse. 
Lahat naman ng mga itinuturing na Authorize Person Outside Residence o APOR at iba pang mga binigyan ng pahintulot ng batas na lumabas habang umiiral ang curfew hour ay extempted na. 
Umaasa naman ang gobernador na ipatutupad ito ng mga alkalde sa buong lalawigan para na rin sa kaayusan at maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. 

Please follow and like us: