Bagyong Huaning, nakalabas na ng PAR – PAGASA

Tumama na sa kalupaan ng China ang Bagyong Huaning na ngayon ay may International name na Haitang.

Itoy matapos tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang naturang bagyo.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong pitong daan at limampung kilometro Hilaga Hilagang Kanluran ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na animnaput limang kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa walumpung kilometro bawat oras.

Samantala, patuloy pa ring makakaapekto sa Western section ng Northern at Central Luzon ang hanging habagat.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *