Iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga opisyal sa ilang lalawigan sa buong Luzon, nananatiling alerto – NDRRMC

Nananatiling naka-alerto ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, gayundin ang mga opisyal sa ilang lalawigan sa buong Luzon dahil sa posibleng magiging epekto ng hanging habagat.

Nag-convene ang mga miyembro ng Disaster Risk Reduction and Management Council para agad silang makapagresponde sa mga residente na mangangailangan ng tulong.

Nakahanda na rin ang mga kagamitan na gagamitin maging ang mga nasa panig ng search and rescue team sakaling lumala ang sitwasyon sa lalawigan, lalong-lalo na sa mga coastal area.

Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga mamamayan na maging alerto at maging handa lalo na ngayong may kalamidad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *