Bagyong Quedan , huling bagyo na ngayong Oktubre

Inaasahang huling bagyo na para sa buwan ng Oktubre ang bagyong Quedan na ngayon ay lumakas pa at itinuturing nang isang Severe Tropical Storm.

Huling namataan ng PAGASA ang naturang bagyo sa layong isang libo isang daan at limamput limang kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kph.

Inaasahang patuloy na kikilos si Quedan sa direksyon Hilagang kanluran sa bilis na dalawamput isang kilometro bawat oras.

Ang bagyo ay tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng umaga.

Maliit naman ang tsansang mag-landfall ang bagyo dahil malayo ito sa kalupaan ng bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *