Japan nangako ng tulong sa rehabilitation ng Marawi at suporta sa Anti terrorism sa Pilipinas

Nagpahayag ng kahandaan ang Japan na tumulong sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos ang giyera sa ISIS-Maute terror group.

Sa press briefing sa Malacañang ni Deputy Chief of Mission of Japanese Embassy Takehiro Kano, maituturing na “milestone” ang resolusyon ng karahasan sa Marawi at kapuri-puri ang kagitingan ng mga tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Kano interesado ang Japan na makatulong sa muling pagbangon ng Marawi City at hinihintay na lamang nila ang listahan mula sa gobyerno ng Pilipinas para sa maari nilang maitulong.

Inihayag ni Kano nakahanda rin ang Japanese government na tumulong sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Katunayan balak ng Japan na mag-donate ng mga equipment sa PNP gaya ng mga speedboats na magamit laban sa mga terorista.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *