Bangladesh, nakapagtala na ng unang kaso ng Omicron variant

Nakapagtala na ng unang kaso ng Omicron variant ng Covid-19 ang Bangladesh.

Ayon kay Health Minister Zahid Maleque, nagmula ang kaso sa 2 kababaihan ng Bangladesh Cricket Team na nagbiyahe mula Zimbabwe.

Kasakuluyang naka-isolate na sa isang hotel sa Dhaka ang mga nagpositibo at maayos naman ang kanilang kundisyon.

Nauna nang nagpatupad ang Bangladesh government ng mandatory 14-day institutional quarantine para sa mga nagbabalik-bansa mula sa African countries bilang bahagi ng precautionary measures sa bagong variant ng Covid-19.

Batay sa datos ng Health Ministry, hanggang kahapon, December 11 nakapagtala ang Bangladesh ng 177 bagong kaso ng Covid-19 kaya pumalo na sa 15, 078,996 ang kabuuang kaso.

May 5 rin na bagong namatay kaya nasa 28,033 ang death toll sa Covid-19 sa bansa.

Please follow and like us: