LPA sa labas ng PAR, isa nang bagyo

Nabuo na bilang Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok ng bansa ang bagyo sa Martes hanggang umaga ng Miyerkules at papangalanang Odette.

Sa forecast track ng weather bureau, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas-Caraga area.

Huling namataan ang bagyo sa 2,095 km Silangan ng Mindanao, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 55 kph.

Sinabi pa ng PAGASA na halos hindi kumikilos ang bagyo.

Please follow and like us: