Bilang ng mga namatay sa sunog sa Manila Pavilion, umakyat na sa anim

Umakyat na sa anim (6) ang bilang ng mga namatay sa sunog sa Manila Pavilion hotel kamakailan.

Nadagdag sa mga casualties si Jennilyn Figueroa, 28 anyos na namatay kanina lamang madaling-araw matapos isailalim sa tatlong araw na critical condition.

Si Figueroa ay nagtrabaho sa Casino Filipino Pavilion bilang internal security staff sa loob ng anim na taon.

Ang lima pang namatay sa sunog ay sina:

1. EDILBERTO EVANGELISTA- TREASURTY OFFICER
2. MARILYN OMADTO – ASSISTANT TREASURY OFFICER
3. BILLY REY DE CASTRO- SECURITY GUARD
4. JOHN MARK SABIDO- CCTV OPERATOR
5. JOCRIS BANANG- JUNIOR CCTV OPERATOR
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Pagcor sa pamilya ng anim na biktima at siniguro rin ang pagkakaloob ng tulong sa mga nasabing biktima.
=============
 
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *