LTFRB, nag- inspeksyon sa terminal ng Dimple Star bus sa Edsa kasunod ng trahedya sa Mindoro… Mga bus pinagbawalan munang bumiyahe

Nagsagawa ng surprise inspection ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board  LTFRB sa terminal ng Dimple Star sa Edsa, Santolan sa Quezon City.
Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa Oriental Mindoro kung saan 19 katao ang namatay.
Personal na ininspeksyon ng mga taga LTFRB ang mga bus kung saan nakita ang mga pudpod na gulong.
Pinagbawalan munang bumiyahe ang mga bus habang iniimbestigahan pa ang kaso.
Nauna nang sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada na maglalabas sila ng Suspension order oras na matapos ang kanilang imbestigasyon.
================
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *