Bill deposit program ng Meralco, pinaiimbestigahan sa Kamara

 

Pinaiimbestigahan na ng Makabayan bloc sa Kamara ang Bill deposit program ng Meralco.

Sa kanilang inihaing resolusyon, ipinabubusisi ng Makabayan Bloc sa House Energy Committee ang basehan ng Meralco sa pangongolekta ng Bill deposit.

Giit ni Bayan Muna Partylist representative Carlos Isagani Zarate, kahit saan tingnan ay walang rason ang pagsingil ng Bill deposit lalu’t hindi naman matatakasan ng consumer ang pagputol ng supply ng kuryente ng hindi makakapagbayad.

Kaya naman giit ng Kongresista dapat itigil ng Meralco ang paniningil ng Bill deposit.

Kinalampag din ng grupo ang ERC na ipag utos ang pagpapahinto sa paniningil ng bill deposit at ipag-utos refund ang ang nauna nang nasingil na aabot sa 3 bilyong piso.

 

Ulat ni Madz Villar

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *