Bureau of Immigration ibinasura ang apela ng Australian missionary na si Patricia Fox kaugnay sa di pagpapalawig sa kanyang Missionary visa

Ibinasura ng Bureau of Immigration ang Motion for Reconsideration ng Australian missionary na si Patricia Fox kaugnay sa desisyon ng kawanihan na hindi palawigin ang kanyang missionary visa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pinagbigyan ang apela ni Fox.

Inatasan naman si Fox ng BI na mag-apply ng temporary visitors visa na magbibigay sa kanya ng 59 na araw para makapanatili sa bansa habang wala pang pasya sa petition for review nito sa DOJ kaugnay sa desisyon ng immigration bureau na ipatapon ito pabalik ng Australia.

Kaugnay nito, inihayag ni Guevarra na submitted for consideration na ng DOJ ang petition for review ni Fox matapos magsumite amg BI ng komento

balak naman ng kampo ni Fox na magsumite ng reply sa komento ng BI sa Lunes, October 15.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *