Business sector hindi nangangamba sa Martial Law extension

Hindi nangangamba ang mga negosyante sa balak ni Pangulong Duterte na extension ng Martial Law declaration sa buong Mindanao hanggang sa pagtatapos ng 2017.

Ito ang posisyon ng  Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI .

Ayon kay PCCI Honorary Chairman Donald Dee, wala silang nakikitang problema sa development na ito dahil para rin naman sa seguridad ang pag-iral ng batas militar.

Ang sektor aniya ng mga negosyante ay sang-ayon sa mga hakbang ng pamahalaan para masugpo ang terorismo para sa higit na ikalalago ng kalakalan sa bansa.

Para naman kay Makati Business Club executive director Peter Perfecto, hindi makakaapekto sa kalakalan ang pagpapalawig ng Martial Law dahil nakita na ng mga negosyante ang sitwasyon sa nakalipas na mga araw at hindi naman ito nakakaapekto sa mga legal na negosyo.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *