CA dapat higpitan ang pagbusisi sa track record ni bagong DENR Sec. Roy Cimatu

Nanawagan si Cibac Rep. Sherwin Tugna sa mga bumubuo ng Commission on Appointments na maging metikuloso sa paghimay sa kuwalipikasyon ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Sinabi ni Tugna na kung gaano naging kahigpit ang CA kay Gina Lopez ay dapat ganito din ang maging panuntunan at sukatan kay Cimatu.

Ito ay upang matiyak na akma ang kapasidad nito para mamuno sa DENR na ibang iba sa dating posisyon na hinawakan nito lalo na ang pagiging Chief of Staff ng Militar at special envoy para sa OFW’s.

Bukod sa kakayahan,  hindi dapat na palagpasin ng CA ang pag-iimbestiga sa mga isyu ng anomaliya na kinasangkutan ni Cimatu.

Partikular na ang usapin ng pabaon at pasalubong issue sa militar noong aktibo pa ito sa sandatahang lakas.

Binigyang diin ni Tugna na dapat maging patas ang CA sa pagsala sa appointees ng Pangulo.

Ulat ni: Madelyn VIllar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *