CamSur Gov. Miguel Villafuerte, pinatitigil ang small town lottery operations sa kanilang lalawigan

 

Nais ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte na ipatigil na
ang small town lottery o STL operation sa kanilang lalawigan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on games and amusement, sinabi ni
Villfuerte na nagagamit lang kasi ang stl sa illegal jueteng
operations.

Katunayan, ipinakita pa nito ang mga larawan at video na nagpapatunay
na ginagamit lang itong front ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para sa illegal jueteng.

Mga naka uniporme kasi at may ID pa ng PCSO ang mga nagpapataya ng
jueteng sa mga lansangan dahilan kaya pati mga kabataan nalululong na
sa sugal.

Hindi raw dapat isisi sa pulis kung bakit hindi naaresto ang mga nasa
likos ng jueteng operatons dahil may ID pa at uniporme ng PCSO ang mga
nagpapataya nito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *