House Speaker Pantaleon Alvarez, pinatatahimik ng mga Senador sa pagsusulong ng illegitimate ChaCha

Pinatatahimik ni Senator Sherwin Gatchalian si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagpupumilit ng Charter Change kung hindi nito mapapakilos ang Senado.

Katwiran ni Gatchalian, magiging illegitimate ang hakbang ng kamara kung walang magiging kaparehong hakbang ang senado.

Paalala ng senador, ang mga Constitutional Law expert na ang nagsabi na kung aamyendahan ang 1987 constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly, dapat hiwalay itong talakayin ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Sa halip na makipagbanggaan at i-bypass ang Senado, dapat makipagtulungan ang kamara sa senado para makabuo ng malinaw na hakbang sa magiging paraan ng chacha.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *