Cash for work program, sinimulan na sa GMA Cavite

PHOTO: LGU GMA _fb page

Sinimulan na ng mga opisyal ng GMA Cavite LGU ang Cash for work program sa kanilang bayan.

Bago ang pagsisimula ay isinagawa muna ang orientation para sa mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD), ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Layon ng programa na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga mamamayan, na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

PHOTO: LGU GMA_fb page

Nagpasalamat naman si GMA Cavite Mayor Maricel Echevarria Torres sa DOLE sa inisiyatibong ito ng ahensya, para sa kanilang mga kababayan na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Jet Hilario

Please follow and like us: