‘Plastik mo, gawing bigas’ inilunsad sa Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite

Photo: Mayor Nelia Angeles

Inilunsad sa General Emilio Aguinaldo, Cavite ang proyektong ‘Plastik mo, Gawing Bigas.’

Ayon kay General Emilio Aguinaldo Bailen Cavite Mayor Nelia Angeles, ang naturang proyekto na pinangunahan ng MENRO sa kanilang bayan, ay naglalayong makatulong sa kalinisan at matulungan ang mga mamamayan.

Sa halip aniya na itapon kung saan-saan ang mga basura gaya ng plastik, pinakamainam na gawin ay ipunin ito at ipalit sa bigas.

Photo: Mayor Nelia Angeles

Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga opisyal ng MENRO sa kanilang bayan dahil sa pagpapatuloy ng proyektong ito, na hindi lamang nakatutulong sa kanilang mga kababayan kundi maging sa kapaligiran.

Jet Hilario

Please follow and like us: