Chemical plant sa China sumabog, lima patay

0
photo_2025-05-28_13-18-42

Smoke rises from an explosion at a chemical plant in Weifang in eastern China in this screengrab taken from a social media video, May 27, 2025 [Reuters]

Hindi bababa sa lima katao ang namatay at labingsiyam na iba pa ang nasaktan, sa malaking pagsabog sa isang chemical plant sa eastern China.

Ang planta, na nasa isang industrial park, ay gumagawa ng chemical components para gamitin sa mga pesticide at pharmaceuticals.

Ang mga awtoridad ay naglunsad ng isang malaking tugon sa pagsabog at sa sunog na idinulot nito, kung saan ang mga opisyal ay nagpadala ng mahigit sa dalawangdaan at tatlompung responders sa explosion site.

Sa drone video na ipinost ng The Beijing News, isang government-run publication, makikita ang usok na nagmumula sa chemical plant at sa isa pang hindi matukoy na pasilidad malapit dito.

Sa Baidu Maps, isang navigation app, ay makikita ang iba pang manufacturing companies sa tabi ng planta ng Youdao, kabilang ang isang kumpanya ng tela, isang kumpanya ng makinarya at isang kumpanya na gumagawa ng industrial coating materials.

Ang Weifang Ecological Environment Bureau ay nagpadala ng mga tauhan upang magsagawa ng test sa blast site, ngunit sinabing wala pang mga resultang makukuha. Pinayuhan nito ang mga residenteng malapit sa planta na pansantala ay magsuot muna ng face masks, ayon sa The Beijing News.

Isang lokal na residente, na ayaw magpakilala ang makikita sa isang video na nagsabing umuga ang kaniyang bahay, na mahigit pitong kilometro (4.3 milya) mula sa planta dahil sa pagsabog.

Hinimok naman ng mga awtoridad sa emergency response ng China ang kanilang response crews, na agad apulahin ang sunog at tiyakin na ang bilang ng mga taong naapektuhan.

Ang Shandong Youdao Chemical ay itinayo noong August 2019 sa Gaomi Renhe chemical park sa Weifang, ayon sa website ng kompanya.

Saklaw ng planta ang nasa 47 ektarya at mayroong mahigit sa 300 mga empleyado.

Ang mga pagsabog sa chemical plants sa China nitong nakalipas na mga taon, ay kinabilangan ng isa sa northwest region ng Ningxia noong 2024 at isa pa sa southeastern province ng Jiangxi noong 2023.

Dalawang malalaking pagsabog sa mga warehouse na kinasasadlakan ng mapanganib at madaling masunog na mga kemikal sa port city ng Tianjin noong 2015, ay pumatay ng mahigit sa 170 katao at 700 ang nasaktan.

Ang insidente ay nagtulak sa gobyerno na higpitan ang mga batas na sumasaklaw sa chemical storage.

Isa pang pagsabog noon ding 2015 sa isang chemical plant sa Shandong ang ikinamatay ng 13 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *