Chief Justice Lucas Bersamin, idinipensa ang kanyang mga naging desisyon na pabor sa Pamahalaang Duterte

Idinipensa ni bagong Chief Justice Lucas Bersamin ang kanyang mga naging desisyon at mga posisyon na pabor sa pamahalaang Duterte.

Iginiit ni Bersamin na independent siya sa kanyang mga desisyon pabor o hindi man sa administrasyon.

Ayon kay Bersamin, pinag-aaralan niyang mabuti ang mga kaso at nagpapasya siya batay sa merito at batas.

May mga desisyon din anya siyang kontra sa posisyon ng gobyerno.

Ipinunto pa ni Bersamin na hindi nawawala ang independence ng isang mahistrado kung pumabor sila sa isang panig dahil kailangan talagang may manalo sa isang kaso.

Nilinaw pa niya na hindi niya kilala ng personal ang Pangulo maging ang sinoman sa kaanak nito.

Ang tanging pagkakataon lang anya na nakita ang Pangulo ng malapitan ay nang manumpa rito si dating Chief Justice Teresita de Castro sa Malacañang.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *