Chinese national, arestado sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril

Courtesy: PNP-ACG
Arestado sa entrapment operation ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Makati City, ang isang 33 anyos na Chinese national na sangkot sa pagbebenta ng baril.
Nabisto ang suspek matapos nyang ipost sa social media ang ibinebentang 9mm pistol na inaaalok nya sa halagang 40 thousand pesos.
Ang hindi nya alam, mga pulis na kanyang katransaksyon kaya agad syang inaresto.

Courtesy: PNP-ACG
Nabawi sa kanya ang baril kasama ang mga bala na kalaunan ay nakumpirma na expired ang lisensya, na nakarehistro sa isang Pinoy.
Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Mae Arancillo, ang baril ayibinigay umano sa suspek ng kanibigan niyang Chinese na bumalik na sa China.
At ngayong pauwi na rin ito sa China, ay naisipan ng suspek na ibenta ang baril upang ipangdagdag sa kaniyang panggastos.

Courtesy: PNP-ACG
Lumalabas na nagtrabaho ang suspek sa bilang chef at courier sa ilang Chinese restaurant dito sa bansa.
Sinisilip na sa imbestigasyon kung konektado sa POGO ang mga kompanyang pinagtrabahuan ng suspek.
Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Law at sa umiiral na Election Gun Ban.
Mar Gabriel