PH Olympic medalists at festivals, tampok sa PHLPost stamps event

Photo courtesy of PHLPost
Inilunsad ng Philippine Postal Corp. (PHLPOST) ang National Philatelic Exhibition 2025 (NAPEX)bilang pagdiriwang isang buwan nilang corporate anniversary.
Ang NAPEX ay isang three-day activity na nagsimula noong Miyerkoles sa Lucky Chinatown Mall, Level 1 Atrium sa Binondo, Manila.
Ipinakita rito ang mga koleksyon ng selyo mula sa 17 collector, na ipinagdiriwang ang kapangyarihan ng philately – isang hilig na nagbibigay-buhay sa kasaysayan, nag-uugnay sa mga kultura, at nagkukuwento ng panahon sa pamamagitan ng mga selyo.
Iprinisinta rin ang isang commemorative set ng stamps na nagbibigay-pugay sa Filipino medalists ng 2024 Paris Olympics, kabilang sina Carlos Edriel Yulo, Nesthy Alcayde Petecio, at Aira Villegas.
Sinabi ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos, “Each stamp immortalizes the triumphant moments of gold and bronze medal victories in gymnastics and boxing and pays tribute to the strength, discipline, and perseverance that define the Filipino athlete.”
Ginunita ng PHLPost ang kanilang ika-33 taon bilang government-owned and -controlled corporation (GOCC) ngayong buwan, sa pamamagitan ng pagpasa sa Republic Act 7354, o ang Philippine Postal Service Act of 1992, na naging daan para maging korporasyon ang noo’y Postal Service Office.
Nakipagpartner ang PHLPost sa Philippine Philatelic Federation, Inc. Upang i-organisa ang NAPEX, kung saan nagtipon ang stamp clubs mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
PNA