Chinese national patay nang tumaob ang isang barko sa Occidental Mindoro

Photo courtesy: Jun Magbanua
Patay ang isang Chinese national habang 12 naman ang isinugod sa ospital, nang tumaob ang isang barko sa katubigan ng Brgy. Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro nitong Martes, Abril 15, bandang alas-4 ng hapon.
Natukoy ang barkong Hong Hai 16 na may sakay na 23 tripulante, na ang 11 ay Pilipino at 12 ang Chinese.

Photo courtesy: Jun Magbanua
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng insidente at ang pagmo-monitor sa kalagayan ng mga tripulanteng nakaligtas.
Cindy Bernardino
Please follow and like us: