Search and rescue operation sa 10 nawawalang sakay nang tumaob na barko sa Occidental Mindoro, nagpapatuloy

Photo: Coast Guard Southern Tagalog
Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa nawawalang pitong Pilipino at tatlong Chinese na sakay ng tumaob na Hong Hai 16 motor vessel sa karagatan ng Brgy. Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro noong Martes ng hapon, Abril 15.
Una rito ay nasagip ng mga awtoridad ang 14 tripulante, na kinabibilangan ng anim na Pinoy at walong Chinese national.

Photo: Coast Guard Southern Tagalog
Narekober din ang labi ng namatay na isang Chinese national.
Please follow and like us: