Colonoscopy at Endoscopy procedure kay Pangulong Duterte bahagi ng regular medical check up – Malakanyang

 

Walang dapat na ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang niliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque matapos sumailalim sa Colonoscopy at Endoscopy procedure si Pangulong Duterte.

Ayon kay Roque walang nakitang problema sa kalusugan ng Pangulo.

Sinabi ni Roque na regular na sumasailalim ang Pangulo ng bansa kahit ang mga nakalipas na Presidente para matiyak na healthy ang Chief Executive dahil sa uri ng trabaho na ginagampanan sa gobyerno.

Iginiit ni Roque na kahit may edad na si Pangulong Duterte ay kitang-kita naman ng publiko ang kanyang hectic na schedule ay kayang kaya nitong gampanan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *