Comelec Chairman Andres Bautista nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw na sa posisyon si Comelec Chairman Andres Bautista.

Sa statement ni Bautista na nakapost sa kanyang twitter at facebook account, sinabi niya na naniniwala siyang ito na ang tamang oras para bumaba sa pwesto lalo nat ipinapagpaliban ang Brgy at Sk elections.

Hindi anya naging madali ang kanyang desisyon pero kailangan siya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak.

Nagpasalamat din si Bautista sa mga kawani ng Comelec sa suporta sa kanya.

Kinumpirma naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na binasa ni Bautista sa harap ng mga Comelec employees ang kanyang desisyon na magbitiw bilang poll chief.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *