Malacañang iginagalang ang pagbibitiw sa puwesto ni Comelec Chairman Andres Bautista

Nirerespeto ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni COMELEC Chairman Andres Bautista.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na iginagalang ng Malacañang ang desisyon ni Chairman Bautista.

Si Chairman Bautista ay lumiham na sa kanyang COMELEC family para ipaalam ang kanyang pagbaba sa puwesto.

Batay sa resignation letter ni Bautista epektibo ang kanyang pagbibitiw sa puwesto sa katapusan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ginawang dahilan ni Bautista sa pagbibitiw sa tungkulin ang kanyang pamilya partikular ang kanyang mga anak na aasikasuhin niya dahil sa kontrobersiya sa pagitan nila ng kanyang asawang si Patricia.

ULat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *