Comelec pinaghahandaan rin ang Parliamentary Election sa BARMM

Bukod sa National and Local elections, puspusan rin ang paghahanda ng Comelec para sa kauna – unahang Parliamentary Election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, para sa BARMM dalawang balota aniya ang gagamitin, dahil bukod ang para sa paghahalal nang mauupo sa parliament.

Isa rin sa sisiguruhing mabuti ng Comelec ang seguridad para sa gagawing halalan.

Sinabi pa ni Garcia, nasa peak na ang Comelec sa kanilang ginagawang preparasyon para sa darating na halalan.

Patuloy rin ang procurement ng poll body para sa mga gagamitin sa eleksyon.

Matatandaang nagdeklara ng failure of bidding para rito noong Pebrero matapos ideklarang ineligible to bid ang dalawang bidder.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *