Shooting incident sa Lanao del Norte , 2 patay

Dalawa ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa National Highway ng Brgy. Magpatao, Lala, Lanao del Norte.

Batay sa report , sakay ng Toyota Vios ang mga biktima na may plate number NDR 8679, nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Dahil dito , sumalpok sa bariier ang sasakyan matapos nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nagtamo ng maraming tama ng baril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek .

Agad naman naisugod sa Kapatagan Provincial Hospital ang mga nasugatan na ngayon ay stable na ang kalagayan .

Nagsasagawa narin nang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad  kung sino at ano ang motibo sa nangyaring pamamaril.

Richard dela Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *