Consular office ng DFA sa NCR East, pansamantalang sarado

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs na sarado pansamantala ang authentication services nito sa National Captal Region East.

Partikular na sarado ang consular office sa SM Megamall.

Ang  walk-in applicants ay maaaring magtungo sa DFA Aseana sa Parañaque City para sa pagproseso ng authentication.

Ang mga aplikante na may scheduled online appointments sa CO-NCR East mula August 22 hanggang September 30 ay maililipat sa parehong petsa sa DFA Aseana sa pagitan ng ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon.

Pinayuhan ang mga aplikante na dalhin ang kanilang appointment confirmation at documents.

Moira Encina

Please follow and like us: