COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 458,044

Umabot na sa 458,044 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,047 lamang ang aktibong kaso.

May 1,491 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 129 new cases, Rizal na may 102 new cases, Benguet na may 81 new cases, Davao City na may 75 new cases at Laguna na may 54 new cases.

Mayroon namang 436 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 421,086 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 36 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,911 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: