COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 459,000

Umabot na sa 459,789 ang kabuuang bilang ng COVID – 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 21,708 lamang ang aktibong kaso.

May 1,754 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 163 new cases, Rizal na may 104 new cases, kapwa naman may 83 new cases ang Benguet at Laguna, 61 new cases naman ang Bulacan.

Mayroon namang 8,080 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 429,134 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 36 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,947 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: