Covid-19 cases sa buong mundo, pumalo na sa higit 167 million

Pumalo na sa kabuuang 167,053,068 ang kaso ng Covid-19 sa buong daigdig.

Sa pinakahuling datos ng worldometers.info as of May 23, 2021, naitala rin ang Global death toll sa 3,468,817 habang ang recovered cases ay naitala sa 147,969, 319.

Ang datos ay mula sa 220 bansa at teritoryo batay sa United Nations Geoscheme.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kaso na sumampa na sa 33,882,333 at bilang ng mga namatay sa 603,876.

Sumunod ang India na may kabuuang kaso na 26,528,846 at death toll na 299,296.

Brazil na may 16,047,439 cases at 448,291 deaths.

Ang Pilipinas ay pang-24 sa may mataas na kaso ng Covid-19 na pumalo na sa 1,178,217 at 19,946 na mga namatay.

Please follow and like us: