Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig, 10:02 ngayong umaga sa 235 kilometers Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

Naramdaman ang Intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

May lalim ang lindol ng 5.5 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala mula sa pagyanig.

Please follow and like us: