Dalawang libong litro ng smuggled na gasolina, narekober ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi

Courtesy: PNP Maritime Group
Nasa 2 libong litro ng smuggled na gasolina na nagkakahalaga ng 130 – libong piso, ang narekober ng mga awtoridad sa karagatang sakop ng Tugala, Sitangkai, Tawi-Tawi.
Nakumpiska rin sa nasabing operasyon, ang isang hindi markadong bangkang de-motor, na may mga defaced serial number na nagkakahalaga naman ng P200 – libo.

Courtesy: PNP Maritime Group
Sa isinagawang Seaborne Patrol Operation ng Sitangkai Maritime Law Enforcement Team, Tawi-Tawi Maritime Police Station, Regional Maritime Unit BAR at sa koordinasyon sa Bureau of Customs, ay matagumpay na naaresto ang 2 indibidwal, dahil sa paglabag sa RA. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang mga ebidensya, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sitangkai MLET para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Courtesy: PNP Maritime Group
Ang naturang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP Maritime Group laban sa smuggling at iba pang iligal na aktibidad.
Aldrin Puno