Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga opisyal ng PAGCOR, sinampahan ng panibagong reklamo sa DOJ ng NBI at PAOCC

Ipinagharap ng panibagong reklamo sa DOJ si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Tatlong counts ng falsfication of public documents ang inihain ng NBI at PAOCC laban kay Guo.
Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, ito ay kaugnay sa pagbili ng alkalde ng tatlong lupain sa Sual, Pangasinan gamit ang pekeng pagkakakilanlan at nasyonalidad.
Bukod kay Guo, inireklamo rin ng NBI at PAOCC ng human trafficking ang 11 opisyal at kawani ng PAGCOR na dapat ay nagbabantay sa operasyon ng Zun Yuan Technology sa Baofu compound sa Bamban.
Nabatid ng mga awtoridad na pinayagan ng PAGCOR employees ang scamming operations sa Zun Yuan at nakinabang ang mga ito.
Bukod sa kasong kriminal, sasampahan din ng NBI ng reklamong administratibo ang PAGCOR employees.
Sinabi ni Lavin, “In the acquisition of these properties sinabi ni Alice Guo siya si Alice Guo, that she is a Filipino citizen, when, in fact, we were able to establish that she is not Alice Guo, she is Guo Hua Ping and she is not a Filipino citizen and she is a Chinese citizen. Nagbenefit sila financially, dahil sumesweldo sila dun e. May allowances sila they should have monitored it sila yung naka in-charge dun sa day-to-day operations, but they allowed the operation of the scamming activities on top of the POGO operation.”
Moira Encina-Cruz