Dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, tinawag na mayabang ni Pangulong Duterte

Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño dahil sa pagpuna nito nang umakyat siya sa entablado ng mga raliyistang makakaliwa pagkatapos ng SONA .

Ayon sa Pangulong Duterte, noong nangampanya si Casiño sa Davao City, hindi rin naman ito humingi ng permiso sa kanya at hindi rin nagpasalamat kahit pinayagan siyang makapagtalumpati.

Giit pa ni Duterte, masyadong malaki ang ulo  ni Casiño at mayabang pero wala namang nagawa para sa ikauunlad ng bayan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *