Pagkakaroon ng remedial class, aprubado sa DepED

Pabor ang Department of Education kung magdaraos ng remedial class ang mga paaralan dahil sa kanselasyon ng klase tuwing masama ang panahon o tag-ulan.

Ayon kay Deped Office for Planning Undersecretary Jesus Mateo, ipinapaubaya na nila sa mga principal ng bawat paaralan ang desisyon kung kailan idaraos ang remedial class.

Nasa pamunuan na rin aniya ng mga paaralan kung paano nila mapupunan ang mga kakulangang school days dahil sa kanselasyon ng klase.

Giit ni Mateo, inapayagan  ng DepED ang pagkakaroon ng remedial class para hindi maapektuhan ang nakaplanong ituturo sa mga bata sa isang school year.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *