Dating CA Justice Henri Inting nanumpa na bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema

Nanumpa na bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema si dating Court of Appeals Justice Henri Jean Paul Inting.

Isinagawa ang oath taking ni Inting sa session hall ng Korte Suprema.

Si Chief Justice Lucas Bersamin ang nagpanumpa kay Inting sa pwesto.

Kabilang sa dumalo sa panunumpa ni Inting ang kanyang pamilya at mga mahistrado ng Korte Suprema at CA.

Pinunan ni Inting ang binakanteng pwesto ng Associate Justice ni Lucas Bersamin nang mahirang ito bilang punong mahistrado.

Nagtapos si Inting ng abogasya sa Ateneo De Davao at doon nila nag-aral mula elementarya hanggang kolehiyo.

Si Inting ay nagsilbi bilang public attorney mula 1986 hanggang 1995 at naging piskal din ng Quezon City Prosecutors Office.

Naging presiding judge din si Inting ng Quezon City Municipal Trial Court noong 1998 at pagkatapos ay naitalaga sa appellate court.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *