Dating Chief Justice Sereno, hiniling na bigyan siya ng panahon para makatugon sa inisyung show cause order laban sa kaniya

Hiniling ng pinatalsik na Chief justice na si Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema na bigyan siya ng karagdagang panahon para makatugon sa show cause order laban sa kanya.

Ngayong Biyernes May 25 ang huling araw ng 10 araw na ibinigay ng Supreme Court para sumagot sa show cause order.

Nais ni Sereno na bigyan pa siya ng dagdag na 15 araw o June 9 para makatugon sa inisyung show cause order laban sa kanya.

Ang show cause laban kay Sereno ay dahil sa paglabag nito sa Subjudice rule bunsod ng kanyang mga public speaking engagements kung saan sinisiraan niya ang mga kapwa Mahistrado at pagsasapubliko ng merito ng kanyang Quo warranto case.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *