Davao city Cong. Paolo Duterte, umatras na sa House Speakership race

Umatras na sa House Speakership race si Davao City Congressman Paolo Duterte.

Sa isang statement, sinabi ni Congressman Pulong na nakausap niya ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduan na hindi pa ito ang tamang panahon para maging Speaker sya ng Kamara.

Bilang Presidente ng Hugpong sa Tawong Lungsod ay susuportahan umano ni Pulong ang speakership bid ni Davao City Representative Isidro Ungab mula sa kanilang sister party na Hugpong ng Pagbabago.

Dagdag pa ni Duterte, sinabihan na ang kanyang ama tungkol sa partisipasyon ni Ungab sa speakership race sa Mababang Kapulungan.

Una ng ianunsyo ni Cong. Pulong Duterte na sasali na siya sa house speakership race kasunod ng isyu sa term-sharing sa pagitan nina Marinduque Cong. Lord Allan Velasco at Taguig Cong. Alan Peter Cayetano.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *