Death penalty sa drug related cases, kasama sa mga isusulong ni Senator Elect Robin Padilla

Nais ni Senator Elect Robin Padilla na magpasa ng batas para patawan ng death penalty ang mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Ayon sa Senador, kailangang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa paggawa at pagbebenta ng iligal na droga.

Bagamat dadaan pa aniya ito sa mahabang debate, tiniyak niya na hindi niya papayagan na maging biktima ng bitay ang mahihirap.

Susuportahan naman ng Senador ang anumang hakbang ng Marcos Administration na ituloy ang War on Drugs ng Duterte administration.

Nasaksihan niya aniya ang mga naging biktima ng iligal na droga at nais niya itong itama.

Meanne Corvera

Please follow and like us: