Declogging operation isinagawa sa ilang bahagi ng Malabon City

Courtesy: Malabon PIO

Patuloy ang isinasagawang regular na declogging operations ng City Engineering Department sa Lungsod ng Malabon.

Ilan sa mga lugar na tinutukan ay ang Javier II St, sa Brgy. Baritan, Blk 46 Salmon St., sa Brgy. Longos, at Magsaysay ext. sa Brgy. San Agustin, upang tanggalin ang mga bara ng basura sa mga kanal sa naturang mga barangay.

Layunin ng nasabing operasyon na mapanatili ang maluwag na daloy ng tubig at maiwasan ang matinding pagbaha sa lungsod.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng Malabueños na itapon nang maayos ang basura, dahil ang mga kalat na napupunta sa kanal ay nagdudulot ng pagbaha sa lansangan.

Pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan, na maging responsible sa pagtatapon ng basura, panatiliin ang kalinisan at kaayusan sa naturang lungsod.

Manny De luna

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *