MMDA, DENR AT NGOs nais mapalakas ang kamalayan ng publiko sa waste management at reduction

Sa layuning mapalakas pa ang kamalayan ng publiko sa zero waste management, inilunsad ng MMDA ang Road to Zero Waste Expo, na may temang Clean Metro Manila.
Dito inilunsad ang maraming mga paraan kung paano maisasagawa ang maayos na waste management.

MMDA General Manager Procopio Lipana
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, nais nilang mapalakas pa ang programa patungkol sa zero waste at makarating ito sa bawat isang indibidwal sa Metro Manila.
Handa naman ang MMDA na makipagtulungan sa mga programa ng DENR, ilang NGO na nagsusulong ng zero waste tulad ng Ecowaste Coalition.

May ilalatag din silang programa patungkol sa waste management na siya namang ibababa sa local government units hanggang makarating sa barangay level, at makarating din sa bawat indibidwal sa komunidad.
Earlo Bringas