Deportation proceedings ng 29 na dayuhang nahuling nag-ooperate ng illegal online gaming facility, inihahanda na ng BI

Courtesy: Bureau of Immigration

Inihahanda na ng Bureau of Immigration ang deportation proceedings laban sa 29 na dayuhan, na nahuling nag-ooperate ng illegal online gaming facility sa isang pribadong resort sa Silang, Cavite.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, inatasan na nya ang prosecutors mula sa kanilang legal division na makipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group para sa preliminary investigation.

Photo: Bureau of Immigration

23 Chinese at 6 na Myanmar nationals ang nahuli sa nasabing operasyon.

Ang mga dayuhan ay sasampahan ng paglabag sa immigration law ng Pilipinas at ilalagay din sila sa blacklist.

Ibig sabihin hindi na sila papayagang makabalik ulit sa Pilipinas.

Nabatid na isang puganteng Chinese national sana ang target ng operasyon pero nadiskubre ang iligal na operasyon.

Ayon kay Viado, tinitingnan din ang posibilidad na kasuhan ang renter ng resort.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *