DFA nagpadala na ng note verbale sa Tsina kaugnay sa insidente sa Pag-asa Island

Nag-isyu na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng note verbale sa Tsina para linawin ang insidente sa pagitan ng China Coast Guard at ng mga tauhan ng Philippine Navy malapit sa Pag-asa Island noong Linggo, November 20.

Ito ang kinumpirma ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza kasunod ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Daza, layon ng note verbale na kunin ang paliwanag ng panig ng Tsina sa pangyayari.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hihintayin ng DFA ang opisyal na komento ng China.

Ang susunod na hakbangin ng Pilipinas aniya ay magdidepende sa magiging tugon ng Tsina.

Nais ni PBBM na ipaliwanag ng Tsina ang nangyari lalo na’t iba ang bersyon ng militar ng Pilipinas sa sinasabi ng China.

Batay sa Philippine Navy, puwersahang kinuha ng coast guard ng Tsina ang floating object mula sa mga tauhan nito sa nasabing isla.

Pero, itinanggi ng Tsina na hinarang nito ang naval boat ng Pilipinas at sapilitang kinuha ang floating rocket debris.

Nanindigan naman ang militar sa pahayag nito sa nangyari.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.