Patay na sanggol natagpuan sa bangketa sa Manila

Isang patay na sanggol ang natagpuang inabandona sa gilid ng bangketa sa Lawton sa Maynila.

Ang sanggol ay nasa loob ng puting plastic na nakabalot sa kulay pink na tuwalya.

Ayon sa mga imbestigador, 7:25 ng umaga naglilinis ang isang street sweeper sa lugar nang makita nito ang plastic na may lamang sanggol.

Agad naman daw itong inireport sa Lawton PCP na malapit lang sa lugar.

Tinatayang nasa 24 hanggang 28 weeks na ang sanggol.

Maayos daw itong naipanganak dahil may nakakabit pa itong catheter.

Inaalam na rin kung sino ang nag-iwan ng sanggol roon.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *