DFA, nilinaw na may sapat silang pondo para tumugon sa COVID-19 pandemic

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs o DFA na may sapat pang pondo ang ahensya para magkaloob ng assistance sa overseas filipino workers o OFW na apektado ng COVID- 19.

Paliwanag ni Foreign affairs undersecretary for migrant worker’s affairs Sarah Arriola na nasa 820 million pesos pa ang hawak na pondo ng ahensya.

May inilaan din ang DFA na 200 million pesos para sa legal assistance fund.

Nagmula naman ang pondo sa Bayanihan to recover as one act.

Please follow and like us: