DOJ lalo pang paiigtingin sa 2021 ang papel nito laban sa terorismo at kurapsyon

Paiigtingin ng Department of Justice o DOJ ang papel nito sa kampanya laban sa terorismo at kurapsyon sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ngayong magtatapos na ang 2020.

Sinabi ng kalihim na lalong palalakasin din ng DOJ ang papel nito sa laban sa iligal na droga at sa pagprotekta sa karapatang pantao.

Ayon pa kay Guevarra, ang mga planong inilatag nila sa 2021 ay ibinatay nila sa palagay  na pagdating kalagitnaan ng taon ay tuluyang aarangkada na ang DOJ kung saan unti unting mababawasan ang mga restriction  sa byahe at paggalaw dahil sa COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: