DOJ hiniling na sa Korte na magpalabas ng Hold Departure Order laban kay Peter Go Lim

Pormal nang hiniling sa Korte ng Department of Justice o DOJ na magpalabas ng Hold Departure Order o HDO laban kay Peter Go Lim na akusado sa conspiracy to commit illegal drug trading sa Visayas.

Ang mosyon ay inihain ng DOJ sa Makati City Regional Trial Court Branch 67.

Ayon sa mosyon ng DOJ, isang flight risk si Peter Go Lim alyas Jaguar dahil may kasaysayan ito na bumiyahe madalas sa ibang bansa at may kakayanan na magbiyahe.

Katwiran pa ng DOJ, habang wala pang warrant of arrest laban kay Lim ay dapat magpalabas ng HDO dito ang hukuman para mapigilan ang pag-alis nito sa bansa habang dinidinig ang drug case laban dito.

Una nang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na batay sa records ng Bureau of Immigration nakabalik na sa bansa si Lim matapos ang byahe abroad noong Marso.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *